Nakiisa ang Pangasinan sa pagdiriwang ng World Polio Day kung saan ginawa ang simultaneous polio patak na pinangunahan ng Department of Health, Provincial Health Office ng Pangasinan at ng mga Rotary Club na pangunahing donor sa polio vaccine.
Sa isinagawang Polio patak sa Malasiqui ay nabigyan mg libreng polio vaccine ang higit kumulang isangdaang bata na 0-59 months o mga bata edad mag-iisang taon hanggang limang taon.
Ayon kay Dra. Anna Marie De Guzman, Provincial Health Officer na ito umano ay tugon ng ahensiya matapos magkaroon ng kaso ng polio sa ilang lugar tuald ng Lanao del Norte at Laguna matapos ang labing siyam na taong walang kaso mg polio sa bansa.
Dagdag pa nya na ito ay preventive measures upang maiwasang lumala pa ang mga ito sa darating na panahon.
Nakisabay din sa polio patak ang Dagupan City, Urdaneta City, Alaminos City, Malasiqui, Bayambang, San Fabian, Mangaldan, Sta. Barbara, Binmaley, Lingayen.
Wala umanong dapat ikatakot ang mga magulang sa pagbabakuna dahil mas malaking problema ang kakaharapin ng mga ito kung sakaling hindi kumpleto sa bakuna ang mga bata dahil sinisiguro ng health authorities na ligtas ito.
Simultaneous polio patak isinagawa sa Pangasinan
Facebook Comments