Sin tax hike, win-win solution sa ekonomiya at health concern

Manila, Philippines – Inamin ngayon ng gobyerno na hindi pa handa ang Pilipinas para tuluyang magpatupad ng total ban sa mga alak at sigarilyo.

Ito ang naging pahayag ng economic cluster kasunod ng panukalang pagtataas pa ng “sin taxes” o dagdag buwis sa mga tobacco at liquor products para gamitin ang pondo sa health care system sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, kung Department of Health (DOH) ang masusunod, pabor silang tuluyang ipagbawal ang produksyon at pagbebenta ng mga alak at sigarilyo.


Pero giit ni Domingo, may mga trade laws na balakid sa pagpapatupad ng total tobacco at liquor ban kaya “win-win solution” ang pagtataas na lamang sa buwis.

Sa pamamagitan nito, madi-discourage ang publiko na bumili nito at siguradong tataas ang makokolektang buwis para sa mga programa ng gobyerno.

Facebook Comments