Nanawagan ang Department of Health (DOH) na taasan ang excise tax laban sa mga junk food o chichirya.
Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, malaki pa rin kasing problema sa bansa ngayon ang obesity o ang labis na katabaan.
Sinabi nito sa pamamagitan ng sin tax ay matutulungan nitong ma-regulate at ma-control ang mga iba’t ibang uri ng banta sa lifestyle ng isang indibidwal.
Dagdag pa nito, makakatulong din ito upang pondohan ang Universal Health Care Program katlad ng mga ipinataw na mataas excise tax sa sigarilyo, alak, matatamis na inumin at vape.
Batay sa pinakahuling survey ng Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), tinatayang nasa 27 milyong Pilipino ang overweight at obese.