Sin tax reform bill, target ng senado na aprubahan sa lunes

Sa lunes, June 3, ay plano ng senado na tapusin na ang plenary debates sa panukalang itaas ang buwis sa sigarilyo.

 

Sabi ni Senator Sherwin Gatchalian, dahil sertipikadong urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala ay maari nila itong ipasa agad sa ikatlo at huling pagbasa.

 

Umaasa si Gatchalian na ia-adopt ng kamara ang maipapasa nilang version para agad maipadala sa pangulo para lagdaan at hindi na kailangan pang isalang sa Bicameral Conference Committee.


 

Pero ayon kay Gatchalian, kung ilalaban pa ng kamara ang kanilang bersyon ay mapagsasarhan na ng 17th Congress ang panukala at kailangang ihain muli sa 18th Congress.

 

Sa bersyon ng kamara ay P 2.50 lamang ang pinapadagdag na buwis sa bawat pakete ng sigarilyo pero sa senado ay 25-pesos na hahatiin ang pagpapataw sa loob ng apat na taon.

Facebook Comments