Sinabi ng dating kongresista Zaldy Co na wala siyang natanggap na kickback, hindi kapani-paniwala

Hindi kapani-paniwala para kay House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima ang sinabi ni former Rep. Elizaldy Co na wala itong natanggap na kickback sa mga maanomalyang infrastructure projects.

Ayon kay De Lima, huwag sanang maghugas ng kamay si Co, at wala dapat itong pinagtatakpan at walang maitim na agenda.

Diin ni De Lima, ang gusto ng taumbayan ay buong katotohanan at matitibay na mga ebidensya para mapalakas ang mga kaso laban sa mga nagnakaw sa kaban ng bayan.

Bunsod nito, muling iginiit ni De Lima kay Co na bumalik sa Pilipinas, harapin ang mga alegasyon laban sa kanya, at ilahad ang buong katotohanan sa tamang forum.

Katiwiran ni De Lima, kung talagang handa si Co na ilabas ang lahat, ay dapat itong makiisa sa mga imbestigasyon dahil kahit makailang parte pa umabot ang videos nito ay hindi naman magagamit sa korte kung hindi nito panunumpaan sa tamang forum.

Facebook Comments