SINABON | Mga opisyal ng DENR at DILG, sinermunan ni Senator Villar sa pagdinig

Manila, Philippines – Sinabon ni Committee on Environment and Natural Resources Committee Chairperon Senator Cynthia Villar ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources o DENR at Department of the Interior and Local Government o DILG na bumubuo sa Boracay inter agency rehabilitation task force.

Sinabi ni Villar na kung sya ang Presidente ay magbibitiw na siya dahil sa kahihiyang idudulot ng anim na buwang pagsasara sa Boracay na magbubukas na sa October 26 pero hindi pa rin naisaayos ang sewer system ng lahat ng establisyemento.

Sa pagdinig ay inamin ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III na sa pagbubukas ng boracay ay aabot lang sa 30% ng mga establisyemento dito ang nakakonek sa sewer system o may sariling sewage treatment plants.


Dismayado si Villar dahil paano tatanggap ng napakaraming turista ang Boracay kung kakaunting hotel lamang ang makakabalik muli sa operasyon.

Nabwisit pa si Senator Villar dahil magkakaiba ang numero na inilatag sa hearing nina densing at Environment Undersecretary Ernesto Adobo ukol kabuuang bilang ng mga estbalisyemento sa Boracay at bilang ng mga makakapagbukas muli sa oktubre.

Ayon kay Villar, nakakapagod na ang kung anu-anong report na hindi magkakatugma na ibinibigay ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.

Facebook Comments