Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng Malacañan ang imbestigasyon sa nangyaring iregularidad sa pag-imprenta ng mga ID sa mga miyembro ng media na nagko-cover sa Office of the President.
Ito ay matapos ikadismaya ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang maling grammar at text sa likod na bahagi ng ID.
Aminado si Andanar – na nagkaroon ng Breach of Protocol sa bahagi ng International Press Center (IPC) na siyang nagre-rebyu ng accreditation sa mga media na nako-cover ng mga aktibidad ng Pangulo.
Biro pa ng kalihim, posibleng gawa sa isang bogus shop sa Recto, Maynila.
Mahalaga ang IPC Accreditation lalo na sa mga Pilipinong mamamahayag na bahagi ng delegasyon ng Pangulo kapag may opisyal na biyahe ito abroad.
Facebook Comments