SINADYA? | Dalawa, patay nang mabaril ng gwardya sa QC

Manila, Philippines – Patay ang dalawang binatilyo matapos mabaril ng gwardya ng isang construction site sa Quezon City.

Dead on the spot ang mga biktima na sina Joshua Aguirre, 12-anyos at Angelo Lorenzo, 13-anyos.

Ayon sa gwardyang si Jennel Cordovis, sinasaway niya ang dalawang biktima na nagnanakaw ng mga kalakal mula sa binabantayan niyang construction site sa Farmer’s Street, Payatas-B.


Aniya, nagpaputok siya ng warning shot pababa kaya tinamaan ang dalawang biktima.

Hawak na ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG ang suspek para sa dagdag na imbestigasyon.

Facebook Comments