Lumagda ng kasunduan ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) at ang National Food Authority (NFA) para magtulungan sa pagbili ng palay ng mga magsasaka sa mas mataas na presyo.
Sa bisa ito ng nilagdaang memorandum of agreement sa pagitan nina SINAG Chair Rosendo So at NFA Administrator Judy Dansal.
Sa ilalim nito, bibili ang SINAG ng nasa 7.5 milyong metric tons ng palay na halos 90% ng projected palay ngayong anihan sa halagang 19-20 kada kilo para sa dried palay at ₱16.50 para sa wet palay.
Layon nitong matulungan ang mga magsasaka na hindi malugi sa kabila ng mataas ng production costs.
Sa panig naman ng NFA, nangako itong magpapahiram ng warehouses sa pribadong sektor gayundin ng iba pang post-harvest facilities at personnel.
Facebook Comments