Kinwestyon ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang pahayag ng Department of Agriculture (DA) na manipis ang suplay ng sibuyas sa bansa.
Ayon kay SINAG Executive Director Jayson Cainglet, nagsisimula na ang harvest season ng mga onion farmers na tiyak na magpapababa ito sa farmgate prices.
Matagal na ring natapos aniya ang anihan nang pumasok ang mga bagyo noong nakaraang taon kaya’t walang problema sa stocks.
Wala rin aniyang nagbago sa presyuhan sa mga farms kung kaya’t wala dapat pagtaas ng presyo sa palengke.
Nalulungkot si Cainglet na manggagaling pa sa DA ang kakulangan sa suplay nang hindi tinatanong ang sektor ng mga onion farmers.
Duda ang SINAG na may nagtutulak na naman na mag-import ng sibuyas ngayong panahon na ng anihan.