Nais ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG na mailagay sa blacklist ang mga rice importer na binigyan ng import permit pero di nakakapag-deliber,dahilan upang mabago ang buffer stock projection ng bansa.
Ayon kay Jayson Cainglet, Executive Director ng SINAG, ilan sa mga rice importer na ito ay nag-aangkat lang ng bigas kung kailan sa tingin nila ay kumbinyente ito sa kanilang panig.
Ani Cainglet, ang ibinigay na import permit ay isang pribilehiyo at di-lisensya para manamantala o sirain ang agriculture sector.
Aniya, nasa “wait and see” attitude ang private sectors gayong maraming mga rice exporting countries ang iniipit ang kanilang mga produkto dahil sa banta ng kagutuman dahil sa giyera at ng epekto ng El Niño phenomenon.
Dagdag ng SINAG na dahil sa global situation, dapat nang makialam dito ang pamahalaan.