SINAG, nanawagan sa NPCC na irekomenda ang pagpapawalang bisa ang EO62 at isulong ang P45 mSRP para sa imported rice

Hinikayat ng Samahan ng Industriya ng Agrikultura o SINAG ang National Price Coordinating Council (NPCC) na irekomenda sa NEDA na ipawalang bisa ang EO 62 at ibalik ang rice at pork pork tariffs to 35%

Ayon kay SINAG Executive Director Jayson Cainglet, bilang interagency body na naatasang i-monitor at mapatatag ang food prices, dapat ay nakita ng NPCC na inutil ang EO 62.

Hindi kasi aniya napakinabangan ng mga mamimili ang mga natipid na P16 billion sa tariff reduction.


Ani Cainglet, hindi dapat iasa sa mga importer at sa importasyon ang katatagan ng pagkain ng pamilyang Pilpino.

Panawagan ng SINAG, upang mapababa umano ang presyo ng bigas, dapat ay bigyan ng incentive ang local rice farmers.

Isinusulong din ng grupo ang implementasyon ng maximum suggested retail price (mSRP) na ₱45/kilo ng imported rice.

Facebook Comments