
Suportado ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang pagtatakda ng Department of Agriculture (DA) ng ₱49 na Maximum Suggested Retail Price (MSRP) sa kada kilo ng bigas.
Ayon kay SINAG Executive Director Jayson Cainglet, makatutulong ang hakbang na ito para tuluyang mapababa ang presyo ng imported na bigas.
Alinsunod aniya ito sa pandaigdigang presyo ng bigas kung saan nagkakahalaga ng $380 ang bawat metriko toneladang bigas na naaani.
Kung patuloy aniya ang ganitong presyuhan sa pandaigdigang merkado, mapapababa pa sa ₱45 kada kilo ang presyo ng bigas.
Una nang nanawagan ang grupo na repasuhin ang Executive Order 26 na nagbaba ng taripa sa imported na bigas dahil sa kabiguan nitong mapababa ang presyo nito sa merkado.
Facebook Comments