SINAG, walang nakikitang benepisyo sa import ban sa bigas na inaprubahan ni PBBM

Walang nakikitang benepisyo ang Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG sa inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na 60-day import ban sa bigas.

Sa Isang statement, sinabi ni SINAG Executive Director Jayson Cainglet na makakayang mapaikutan ng mga rice importer ang import ban sa pamamagitan ng advance na pag-aangkat ng maraming bigas lalo pa at umiiral pa ang 15% tariff.

Dahil dito, posibleng pabahain pa rin ng imported rice ang merkado sa loob ng dalawang buwan.

Pwede rin aniyang i-delay lang ng mga ito ang kanilang importation hanggang matapos ang 60-day.

Giit ni Cainglet, walang pangangailangang ng importasyon ng bigas sa panahong ito dahil puno ang mga bodega at kahit ang mga bodega ng National Food Authority (NFA) ay nasa full capacity.

Naniniwala ang SINAG na mas nakabuti sana na sa halip na import ban ay ibinalik na lang ni Pangulong Marcos sa dating 35% ang rice tariff.

Facebook Comments