Manila, Philippines – Sumagot na si dating CJ Maria Lourdes Sereno sa show cause order ng Supreme Court.
May kaugnayan ito sa kanyang paglabag sa subjudice rule may kinalaman sa kanyang speaking engagements o mga talumpati sa labas ng Korte Suprema na bumabatikos sa kanyang mga kasamahang mahistrado at sa pagsasapubliko ng mga merito ng kanyang quo warranto case
Hiningi ng kampo ni Sereno na bigyan siya ng karagdagang labing limang araw para makatugon sa show cause order
Sa June 9 papatak ang kanyang kahilingan 15 days extension
Ngayong araw na ito ang huling araw ng sampung araw na binigay sa kanya ng korte Suprema para sumagot sa show cause order.
Facebook Comments