SINAKAL | Pumatay sa mag-ina sa Cavite, sumuko na

General Trias, Cavite City – Sumuko na sa Eastern Samar Police Provincial Station Office (ESPPO) ang suspek sa pagpatay sa mag-ina sa General Trias, Cavite.

Ayon kay ESPPO Director Senior Superintendent Tranquilino Araral, December 14 nang dumating sa Eastern Samar si Ruel Cabatingan para magtago sa bahay ng kanyang kamag-anak.
Inamin umano ng suspek na pinatay niya sa sakal si Ruby Gamos at 7 taong gulang niyang anak na si Shaniah Nicole.

Nakatakdang i-turn over sa Cavite police si Cabatingan na ngayon ay nahaharap na sa kasong murder.


Batay sa salaysay ng kanilang mga kapitbahay, madalas makita si Cabatingan sa bahay ng mga Gamos na umano ay kababata at karelasyon ni Ruby.

Sa ngayon, hindi pa malinaw ang motibo ng suspek sa krimen.

Facebook Comments