Manila, Philippines – Hindi pa rin matukoy ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng isang bangkay ng lalaki na natagpuan sa loob ng isang sako sa Road 10, Tondo, Maynila.
Sa ulat, itinawag sa barangay ng ilang mga kabataan ang tungkol sa sako kung sana nakita nilang lumabas mula rito ang isang braso.
Mabilis naman inireport ng barangay sa mga pulis ang insidente at nang magtungo ang mga otoridad, dito na nila nakitang mayroong tama ng bala sa ulo at dibdib ang lalaki na sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan.
Suot ng biktima ang itim na t-shirt at maong na pantalon.
Hinala ng mga taga-barangay, posibleng biktima ng summary execution ang lalaki.
Facebook Comments