Manila, Philippines – Sinakop na naman ng mga vendor ang buong Divisoria taliwas sa unang deklarasyon ni Manila Mayor Joseph Estrada noon na zero vendor ang buong Manila partikular sa Divisoria.
Dismayado mga mamimili sa Divisoria dahil mula sa Abad Santos kanto ng Claro M. Recto ay inakupahan na ito ng mga vendor na halos hindi makadaan ang tao na bibili ng mga bilihin para sa kanilang mga pinaghahandaan sa Pasko.
Bukod sa mga vendor na sinakop na ang Divisoria ay balik sa dating gawi na mayroong kumukolekta na 20 Pesos sa lahat ng mga pampasaherong jeep na dumadaan na papuntang Divisoria.
Napag-alaman sa aking pagtatanong na napupunta sa collector na sibilyan na hinihinala na tauhan ng mga pulis ang kinukolektang pera mula sa mga tsuper ng jeep.