SINAKSAK | Isang OFW, natagpuang patay sa loob ng sasakyan sa Saudi Arabia

Jeddah – Kinumprima ng Philippine Consulate General sa Jeddah na isang Overseas Filipino Worker sa Saudi Arabia ang natagpuang patay sa loob ng sasakyan nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay Consul General Edgar Badajos, nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa OFW na si Nasser Musa, 53-anyos, na pinatay umano sa saksak.

Aniya, agad silang nagpadala ng case officers sa lugar at nakita ang biktima sa sasakyan na wala nang buhay at nagtamo ng limang saksak sa katawan.


Nasa kostudiya na aniya ng mga owtoridad ang suspek na patuloy na iniimbestigahan.

Sinabi rin ni Badajos na nakikipag-ugnayan na sila sa pamilya ni Musa nagtatrabaho sa Saudi bilang merchandiser.

Tiniyak naman ni Badajos na gagawin nila ang lahat para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng OFW.

Facebook Comments