SINAKSAK | Lalaki, huli matapos mapatay ang sariling ama

Mandaluyong City – Arestado ang isang lalaki matapos nitong mapatay sa saksak ang sariling ama sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Nakilala ang nadakip na si Rolando Bonsato, 43-anyos habang dead on the spot ang tatay nitong si Rodolfo, 64-anyos.

Sa ulat, nagtalo ang mag-ama sa loob ng kanilang tahanan sa Banana Street, Block 37, Welfarevilla Compound sa Barangay Addition Hills.


Sinabing naburyong ang anak kaya at kumuha ito ng patalim saka ilang beses inundayan ng saksak ang kanyang ama saka mabilis na tumakas.

Nakita naman ng ilang kapitbahay ang duguan biktima at agad silang tumawag ng pulis kung saan nasakote ang suspek sa follow-up operation.

Facebook Comments