Sinakyang helicopter ni Senator Go patungong Basilan, nagka-aberya

Nagtungo si Senator Christopher “Bong” Go sa Basilan at pinangunahan ang pagbubukas ng ika-135 Malasakit Center sa Basilan General Hospital.

Naikwento ni Go na sa kanyang byahe patungong Basilan ay nagka-aberya ang sinasakyan nilang helicopter.

Mabuti naman ayon kay Go at ligtas pa rin silang nakarating sa lugar at walang nasaktan sa kanila.


Sabi ni Go, hindi naman siya takot mamamatay lalo na kung mangyayari ito sa pagbubukas ng Malasakit Center na layuning magserbisyo sa publiko dahil nagsisilbi itong one stop shop ng PhilHealth, PCSO, DOH, DSWD na layuning magpagaan sa hospital bills ng mga nangangailangan.

Nakiusap naman ni Go sa mga taga-Zamboanga na magtiwala sa bakuna dahil ito ang tanging solusyon para unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay.

Sinabi ni Go na mabilis na ang vaccine rollout kaya magsabi lang ang Zamboanga kung kailangan ng tulong sa bakuna upang agad siyang makatugon at ang Inter-Agency Task Force.

Facebook Comments