SINALAKAY | Kalahating milyong piso na halaga ng shabu at matataas na kalibre ng armas, narekober sa isang paaralan sa North Cotabato

North Cotabato – Sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang compound ng Cotabato Foundation College of Science and Technology (CFCST) sa Barangay Doroluman sa bayan ng Arakan sa North Cotabato kahapon ng madaling araw.

Narekober sa lugar ang abot sa kalahating milyong pisong halaga ng shabu at labing tatlong high powered firearms.

Isinagawa ang operasyon sa loob ng compound ng isang eskwelahan partikular sa staff house ni CFCST President Dr. Samsom Molao na nagresulta sa pakakarekober ng illegal drugs at 13 matataas na kalibre ng armas na kinabibilanagna ng AK-47, M14 rifle at M16 rifles.
Nanguna sa operasyon si Levi Ortiz, Director for Special Enforcement Service ng Central Office ng PDEA katuwang ang North Cotabato Police Provincial Office at Arakan MPS base sa search warrant na inilabas ni Judge Alandrex Betoya ng RTC Kabacan.


Wala naman sa lugar si Dr. Molao ng isagawa ang operasyon.

Facebook Comments