
Posibleng madagdagan pa ang halaga ng mga smuggled frozen meat at fish products na nasamsam ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG at Department of Agriculture o DA sa dalawang bodega sa San Rafael Village sa Navotas City.
Sa inisyal na pagsusuri ng CIDG at DA sa mga smuggled products, nasa ₱10 million na ang halaga ng mga karne at isda na nasa cold storage facility.
Posibleng madagdagan pa ang halaga ng mga produkto kapag natapos ang imbentaryo.
Sinabi ni Dr. Randy Lontoc, pinuno ng National Meat Inspection Service, walang kaukulang dokumento ang mga frozen products na galing Brazil, China at Thailand.
Aniya, bukod sa unsanitary ang pinag-imbakang bodega ay masangsang na rin ang amoy ng mga isda at karne.
Facebook Comments









