SINALANTA | Region 3 at MIMAROPA, apektado ng husto ng bagyong Henry at habagat

Manila, Philippines — Aabot sa dalawang libo at tatlong daan mga pamilya o katumbas ng pitong libo apat na raan at pitongput anim na indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Henry at habagat.

Batay ito sa monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ( NDRRMC)

Ang mga apektadong pamilya ay namonitor sa region 3 at MIMAROPA.


Dalawang insidente naman ng landslide ang namonitor ng NDRRMC sa Sitio Tubatan, Brgy Decalachao, Coron, Palawan at sa Olongapo City.

Nagdulot ito ng pagka-stranded ng tatlumpu’t pasahero, pero sa ngayon passable o nadadaanan na ang mga kalsadang naapektuhan ng landslide.

Aabot na rin sa dalawampu’t tatlong bahay sa Region 3 ang naitalang partially damaged, habang hanggang kagabi nakamonitor ang NDRRMC ng 55 barangay sa Region 3, MIMAROPA at National Capital Region ng pagbaha.

Facebook Comments