SINALO | Trabaho na iniwan ng MIASCOR sa mga paliparan, pinasalo sa ibang cargo handler

Manila, Philippines – Nagsimula nang saluhin ng ibang handler sa mga paliparan sa bansa ang trabaho ng MIASCOR matapos putulin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrata nito dahil sa insidente ng nakawan.

Sa interview ng RMN kay MIAA General Manager Ed Monreal – ito ay upang maging maayos ang transition sa mga paliparan at hindi maapektuhan ang mga pasahero.

Ang transition period ay kasunod ng ipinataw na dalawang buwang deadline ng MIAA sa mga airlines company na maghanap ng kapalit ng MIASCOR.


Kasunod ng pagsibak sa higit 4,000 empleyado ng MIASCOR, ipinanukala ni Monreal sa mga airline company na silipin ang posiblidad na i-absorb ang ilang empleyado ng nasabing kompanya na may malinis na record.

Bukod sa MIASCOR ang iba pang ground handlers sa Ninoy Aquino International Airport ay ang Skylogistics, Macro Asia at Dnata.

Sa ngayon ay may apat umanong ground handlers na nagpahayag na ng pagnanais na saluhin ang multi-milyong pisong kontrata sa paliparan sa bansa, kabilang ang Philippine Airport Ground Support Solutions Inc. na may-aari ng matalik na kaibigan ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Facebook Comments