Manila, Philippines – Personal na sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mahigit 100 panibagong batch ng mga Overseas Filipino Worker mula Kuwait.
Ayon sa Pangulo, pinag-aaral na nila ng Department of Labor and Employment kung papabalikin pa sa Kuwait ang ibang OFW na nais pang ituloy ang trabaho doon.
Tiniyak naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III na marami pang ibang oportunidad ang maibibigay sng gobyerno sa mga umuwing OFW.
Samantala, hanggang sa Pebrero 22 na lang ang amnesty program ng Kuwait government na pumapayag sa illegal foreigners na makauwi kahit paso na ang kanilang dokumento.
Kaya’t ang mga hindi na aabot ay kailangang nang dumaan sa pagbusisi ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait.
Facebook Comments