Marikina – Sinasamantala ng ilang mga pulitiko ang paggunita ng Undas upang mamigay ng mga campaign paraphernalia gamit ang pamaypay.
Mistulang hindi na ginagalang ng PBA Partylist ang araw nang mga patay kung saan hindi direktang sila nangangampanya pero lantarang labag ito sa batas.
Umaasa ang publiko na agad maaksyunan ito ng COMELEC dahil hindi man sila direktang nangangampanya pero ang larawan naman ng kanilang Partylist ang nakalagay sa pamaypay.
Samantala, Pumalo na sa 16,100 katao ang dumagsa sa mga sementeryo na nasasakupan sa Pasig City.
Ayon kay EPD District Director Chief Supt. Bernabe Balba, sa Catholic Public cemetery ay umaabot na sa 6,000 katao ang dumagsa sa naturang sementeryo habang sa Pasig Public Cemetery ay 6,500 Evergreen ay 2,000 habang sa Santolan Cemetery ay 1,400 katao ang dumagsa habang sa Sta. Clara de Monte Falco (columbarium) ay umaabot sa 200 katao.
Paliwanag ni Balba, mahigpit ang kanilang pagtutok sa mga sementeryo upang matiyak na ligtas ang mga nagsisitungo sa naturang mga sementeryo.
Mahigit naman sa 5 libong mga ipinagbabawal na bagay ang nakumpiska sa limang sementeryo sa Pasig City kabilang ang mga patalim,baraha, posporo, pintura, sigarilyo at iba pang mga ipinagbabawal tuwing Undas.
Umapela naman ang opisyal sa publiko na maging mapagmatyag at isumbong sa mga pulis kung mayroon silang napapansin may kahina-hinalang kilos sa mga sementeryo kanilang mga dinadalaw.