SINAMBONG CASE | Pinay na namatay dahil sa bugbog, inihatid na sa huling hantungan

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi na iuuwi pabalik sa Pilipinas ang mga labi ng pinay na si Mailyn Conde Sinambong.

Si Sinambong ay natuklasang tadtad ng pasa ang buong katawan at ang itinuturong pumatay sa kanya ay ang sarili nitong asawang si Steve Abou Bakr Aalam na isang Swedish actor-director.

Sa pinakahuling impormasyon na nakalap ng DFA nailibing na ang pinay sa Stockholm.


Dumalo sa funeral rites sina Consul General Maria Elena Algabre ng Philippine Embassy sa Oslo at Suzette Aluag-Callo ng DFA Office of Migrant Workers Affairs kasama ang mga naulilang pamilya ni Sinambong.

Kasunod nito nangako ang ahensya na maibibigay ang katarungan sa pinaslang nating kababayan.

Katunayan, kamakailan nakipagpulong ang mga kamag-anak nito sa Swedish prosecutors para sa paghahain ng kasong murder laban sa asawa nitong si Aalam.

Facebook Comments