SINAMBONG CASE | Suspek sa pagpatay sa isang Filipina sa Sweden, pinangalanan na

Pinangalanan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang suspek sa pagpatay sa isang Filipina OFW sa Sweden.

Ayon sa DFA, ang pangalan ng pumatay kay Mailyn Sinambong ay ang kanyang asawa na si Steve Abou Bakr Aalam, 50-anyos na Swedish actor-director.

Nasawi ang 28-anyos na biktima matapos magtamo ng mga sugat dahil sa matinding pamamalo ng suspek.


Mayroon silang dalawang anak na may edad 10 at 4.

Kinasuhan na si Aalam ng murder.

Ang Embahada ng Pilipinas sa Oslo, nag-organized ng memorial mass para kay Sinambong.

Inaasikaso na rin ng embahada ang repatriation ng labi ni Sinambong.

Facebook Comments