SINAMPAHAN | 15 kumpanya, kinasuhan ng BIR sa DOJ

Manila, Philippines – Nagsampa ng kaso ang Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice laban sa Elarz Lechon dahil sa hindi pagbayad buwis.

Ayon kay BIR Assistant Commissioner James Roldan, abot sa 5-point-8 million pesos ang kabuuang tax liability ng Elarz Lechon.

Bukod sa Elarz Lechon, pareho ding kinasuhan dahil sa paglabag sa section 255 kaugnay ng section 253 at 256. ng BIR code ang mga kumpanya at opisyal ng:


Cellular Network, Federal Builders, Nationwide Security, Systems Energizers at Denali International na pawang nasa Quezon City ang mga tangapan.

Walo namang mga kumpanya at mga may-ari nito sa lungsod ng maynila ang kinasuhan sa doj sa hindi pagbabayad ng kanilang mga buwis sa mga nakalipas ng taon.

Sa kabuuan, aabot sa kalahating bilyong piso ang hinahabol ng BIR mula sa labing limanng mga kumpanya

Facebook Comments