SINAMPAHAN | 2 kumpanyang sinasabing smuggler ng bigas at asukal, kinasuhan sa DOJ

Manila, Philippines – Panibagong reklamong smuggling ang inihain sa Department of Justice ng Bureau of Customs laban sa 2 importer ng asukal at bigas.

Kaugnay ito sa nasabat na limang shipment ng asukal at bigas na tinangkang palusutin ng Red Star Rising Corporation at Sta Rosa Farms nitong nakalipas na Hulyo.

Sa impormasyon ng Customs, 16 na 20-footer container van na naglalaman ng puting asukal na nagkakahalaga ng P21.6 million ang tinangkang palusutin ng Red Star.


Galing Thailand ang mga asukal na walang kaukulang import permit mula sa Sugar Regulatory Administration.

Nabatid na idineklarang kitchen utensils at pambalot ang nasabing mga kontrabando.

Umaabot naman sa P120.7 million na halaga ng bigas na nasa 50-libong sako ang sinubukang ipasok ng Sta Rosa Farms na walang import permit mula sa National Food Authority.

Facebook Comments