SINAMPAHAN | DOJ, nagsampa ng panibagong kaso laban sa mga nasa likod ng 6.4-billion drug shipment

Manila, Philippines – Sinampahan ng DOJ sa Manila RTC ng kasong paglabag sa ilang probisyon ng customs modernization and tarriffs act sina mark taguba at walong iba pang sangkot sa pagpuslit sa bansa ng 6.4-billion pesos na halaga ng shabu mula China.

Bukod kay taguba, kasama rin sa mga kinasuhan si Chinese businessman Chen Ju Long alias na Richard Tan at Richard Chen, Eirene Mae Tatad – may-ari ng EMT Trading, at
Li Guang Feng alias Manny Li

Kabilang din sa kinasuhan sina Dong Yi Shen alias Kenneth Dong, at ang sinasabing consignee na si Fidel Anoche Dee at mga dayuhang negosyante na sina Chen Min at Jhu Ming Jhun at iba pa.


Partikular na isinampa ng DOJ ay ang unlawful and prohibited importation, misdeclaration, misclassification, at undervaluation in goods declaration kaugnay ng 604 kilos ng shabu na nadiskubre sa hong feli logistics warehouse sa Valenzuela City Mayo, 2017.

Una na ring sinampahan ng DOJ ang grupo ni taguba ng kasong illegal drug trading sa Manila Regional Trial Court.

Facebook Comments