SINAMPAHAN | Ilang pinaniniwalaang kaalyado ng NPA na nahulihan ng mga armas at pampasabog, kinasuhan na ng NBI

Manila, Philippines – Pormal nang sinampahan ng NBI ng kasong Illegal Possession of firearms and explosives ang anim na indibidwal na iniuugnay sa matataas na lider ng rebeldeng New Peoples Army o NPA sa Rizal.

Kanina iniharap ng NBI sa media ang mga suspek kabilang na ang negosyanteng Chinese na si Ke Be I alyas Lily Ong, Brandy Solinap, Victor Dela Cruz, Bi-Lian Ke, Diosdado Bohol at Ke Quiao Li alyas Sam Jany.

Natimbog ang anim nang magsagawa ng raid ang NBI-Special Action Unit sa farm ni Lily Ong sa Bgy. Dalig, Teresa Rizal noong Martes.


Kabilang sa Nakumpiska sa kanila ang matataas na kalibre ng mga baril, bala at granada.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunitions Act at Paglabag sa RA 9156 dahil sa mga pampasabog.

Nilinaw ng NBI na sa ngayon, wala pang direktang ebidensya na mag-uugnay sa mga suspek sa “Red October Plot” laban sa Duterte Administation pero aminadong bahagi ito ng kanilang isinasagawang mas malalimang imbestigasyon.

Facebook Comments