SINAMPAHAN | Jose Calida, inireklamo ng isang private citizen sa Office of the Ombudsman

Manila, Philippines – Isang pribadong mamamayan ang nagsampa sa Office of the Ombudsman ng kasong graft laban kay Solicitor General Jose Calida.

Kasong paglabag sa anti graft and corrupt practices act, Code of Conduct and Ethical Standards for public officials ang isinampa ng isang Jocelyn Marie Acosta

Kabilang sa mga sa reklamo ni Acosta kay Calida ay ang hindi umano pagproteksyon sa interes ng taumbayan, sangkot din umano si Calida sa imoralidad, pagwaldas ng pondo ng taumbayan at pagpabor sa mga Marcos.


Tahasang pinaratangan ng ginang si Calida na nagkaroon umano ng relasyon sa isang 22 anyos na executive assistant at intern ng office of the solicitor general na naglaan pa umano ng 1.8 milyon pesos para dito.

Hindi rin umano tumugon si Calida sa kanyang apela sa Solicitor General na maghain ng Quo warranto petition laban kay Justice Teresita de Castro.

Aminado naman si Acosta na supporter siya ni Supreme Court Chief Justice Ma Lourdes Sereno pero itinanggi nito na may nagdikta sa kanya para nagsampa ng kaso.

Facebook Comments