Manila, Philippines – Kinasuhan na ng Manila City Prosecutor’s Office ang isang kilabot na drug pusher sa Pandacan, Maynila.
Mga kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at P.D. 1602 o Illegal Gambling ang kinahaharap ngayon ng suspek na si Russel Guevarra.
Si Guevarra ay nahulihan ng anim na sachet ng shabu at mga perang pangsugal sa ginawang anti-illegal drugs at gambling operations ng Manila Police District (MPD) sa Tomas Claudio Street, Pandacan.
Facebook Comments