Manila, Philippines – Kinasuhan sa DOJ ang Mayor ng Trece Martirez Cavite na si Menandres de Sagun sa pagpatay kay Vice Mayor Alexander Tubigan at sa kanyang driver sa ambush na naganap sa Trece Martirez noong July 7.
Ito ang inihayag ni PNP Chief PDG Oscar Albayalde, ang mayor at mga iba pang principal suspek ay kinasuhan ngayong umaga sa DOJ ng tig dalawang counts ng Murder at dalawang counts ng frustrated Murder.
Sinabi naman PNP PRO-4A Regional Director Csupt Eduard Caranza kasama sa mga kinasuhan ang gunman na kinilalang si Ariel Paiton, at si Luis Abad ang driver ng hilux na ginamit sa krimen.
Kasama din aniya sa mga suspek ang isang konsehal ng Maragondon Cavite na si Umbre Arca, na umano’y tumanggap ng 25,000 piso para sa pag-dispose ng hi-lux vehicle, at isang barangay Captain ng Maragondon Cavite.
Maliban sa mga ito, sinabi ni Caranza na pinaghahanap pa ng PNP ang iba pang mga kasabwat sa krimen kabilang ang 7 spotter.
Batay pa aniya sa kanilang imbestigasyon, ang pagpatay sa Vice Mayor ay isang classic case ng away-pulitika.