Manila, Philippines – Sinampahan ng patong patong na kaso sa Office of the Ombudsman ng grupong United Filipino Consumers and Commuters
Reklamong paglabag sa anti-red tape act, code of conduct and ethical standards for public officials and employees at paglabag sa freedom of information act ang isinampa ng grupo laban kina MWSS Chairman Franklin J. Monteverde at MWSS Administrator Reynaldo P. Velasco.
Inireklamo ang mga nabanggit na opisyal dahil sa kabiguan umano na tumugon sa pagnanais ng naturang consumers’ group na makakuha ng mga datos at dokumento kaugnay ng kinukwestiyong ‘water rate rebasing’ ng water concessionaires na Maynilad at Manila Water.
Ayon sa grupong UFCC noong July 7, 2017 pa sila nagpadala ng liham komunikasyon sa pamunuan ng MWSS subalit wala Umano silang natanggap na tugon sa dalawang mataas na opisyal, makalipas ang mahigit isang taon.