Manila, Philippines -Sinang-ayunan ni NLEX Road Warriors Coach Yeng Guiao ang naging desisyon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na umatras sa pagsali sa 2018 Asian games.
Bukod kasi sa pag-apela sa ipinataw na parusa ng FIBA sa Gilas Pilipinas dahil sa nangyaring rambol sa team Australia, nakatuon din ang SBP sa paglahok nito sa FIBA World Cup Qualifiers at sa 2023 FIBA Basketball World Cup.
Sabi ni Guiao – na tatayo sanang national team head coach sa Asian cup – kulang sa player ang Pilipinas at hindi naman pwedeng maglaro para sa quadrennial meet ang mga manlalarong nais niyang maisama sa Pinoy squad.
Samantala, dismayado naman si Rain or Shine star Chris Tiu sa desisyon ng SBP.
Aniya, minsan lang sa loob ng apat na taon ginaganap ang asian cup kaya nakapanghihinayang kung hindi makakasali dito ang Pilipinas.