SINANG-AYUNAN | Dengvaxia Program ng gobyerno, dapat nang ihinto – Philippine Foundation for Vaccination

Manila, Philippines – Sang-ayon ang mga eksperto mula sa Philippine Foundation for Vaccination na opisyal nang ipahinto ng gobyerno ang Dengvaxia Vaccination Program.

Sa isang News forum sa Quezon City, sinabi ni Dr. Lulu Bravo, founder ng PFV na bagamat malaki ang naitutulong ng mga nadidiskubreng bakuna para labanan ang mga nakamamatay na sakit, mainam na ihinto muna ang programa lalo na na at lumikha na ito ng panic o takot sa publiko.

Mainam aniya na i-evaluate muna ng gobyerno ang sitwasyon at magpatupad ng surveillance sa mga batang naturukan ng Dengvaxia vaccine.


Sa ngayon aniya ay mahalaga na makapalma muna ang mga magulang na may duda na na sa alinmang immunization project ng gobyerno.

Hindi rin aniya nakakatulong ang sensationalized na report sa media na nagpapadagdag lamang sa pangamba ng mga magulang.

Naniniwala si Bravo na sa kaso ng dengvaxia, dapat ay inilimita lamang ito noon sa maliit na bilang ng mga batang tuturukan at sa isang partikular na lugar at hindi tulad ng ginawa na maramihan o mass vaccination.

Facebook Comments