Manila, Philippines – Sinang-ayunan ni Vice President Leni Robredo ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaubaya sa korte ang desisyon hinggil sa pag-iisyu ng warrant of arrest laban kay Sen. Antonio Trillanes IV.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na idaan sa rule of law ang pagdakip kay Trillanes.
Ayon kay Robredo – tama lamang ang naging pasya ng Pangulo.
Ani ng Bise Presidente, dapat iyon ang naging direksyon ng administrasyon noong una pa lang.
Nanindigan naman si Robredo na walang basehan ang pagbawi sa amnestiya kay Trillanes at lalong walang dahilan para damputin ito nang walang arrest warrant.
Facebook Comments