Sinapit ng mga pulis na nagpatupad ng drug war, sisilupin ng kamara

Aalamin ng House Committee on Public Order and Safety na pinamumunuan ni Sta. Rosa City, Laguna Representative Dan Fernandez, ang sinapit ng mga pulis na kinasuhan ng kasong kriminal at administrabo dahil sa pagsunod nila sa utos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na war on drugs.

Hakbang ito ni Fernandez makaraang sabihin ni dating Pangulong Duterte na hindi nito alam na mayroong mga pulis na nakasuhan at ang ilan ay nasibak na sa puwesto dahil sa pagsunod sa mga utos niyang giyera kontra iligal na droga.

Suportado naman ni House Quad Committee overall chairman at Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers ang pahayag ni Fernandez na maraming pulis ang mayroong problemang pinansyal dahil sa gastos sa kaso.


Diin naman ni Manila Representative Bienvenido “Benny” Abante, layunin ng imbestigasyon na matulungan ang mga pulis makaraang hindi tuparin ni dating Pangulong Duterte ang pangako na sila ay susuportahan.

Ikinalungkot naman ni Zambales Representative Jay Khonghun ang sinapit ng mga pulis na nakusahan at nagdusa makaraang sumunod sa utos ni dating Pangulong Duterte.

Facebook Comments