Muling iginiit ni NCRPO Acting Director Debold Sinas na ang kanilang panghahawakan sa pag-aaresto ng Vape Cigarettes ay ang direktiba ni pangulong Rodrigo Duterte at ang Clean Air Act.
Sa ginanap na Presscon sa NCRPO Satelite sinabi ni Sinas na tanging ang pag vape lamang ang kanilang kinukumpiska dahil natanggap na nila ang Memorandum Order na maraming nagbebenta ng Vape cigarettes ay kanilang kukumpiskahin at arestuhin.
Paliwanag ni Sinas na makipag coordinate sa mga LGU’s para ipatupad ang direktiba ni pangulong Duterte at matanggalan ng permit habang makipag ugnayan naman sila sa DOH sa usapin ng kalusugan para matanggalan ng lisensiya ang mga nagtitinda ng Vape cigarettes.
Mahigpit aniyang i-pinagbabawal ang mga dadalo sa Sea games na magdadala ng E-cigarettes o vape cigarettes dahil agad nila itong kukumpiskahin.