Sinasabing awayan sa pagitan ng 2 nilang mahistrado, hindi makumpirma dahil sa umiiral na patakaran ng Korte Suprema

Manila, Philippines – Nang dahil sa umiiral na patakaran sa Korte Suprema hindi makumpirma ang sinasabing awayan sa pagitan ng 2 nilang mahistrado.

Alinsunod sa rules of court hindi maaaring pag-usapan ang kaso na dinala na sa kataas taasang hukuman dahil sa tinatawag na Sub judice rule.

Una nang umugong ang sinasabing awayan sa pagitan nina SC Chief Justice Ma Lourdes Sereno at SC Sr. Associate Justice Teresita Leonardo de Castro.


Ito ay dahil mayroon umanong mga desisyon ang punong mahistrado na hindi inaprubahan ng iba pang mga mahistrado.

Pero dahil iniakyat na ang usapin ni Sr. AJ de Castro sa Korte Suprema hindi na ito maaari pang pag-usapan at kinakailangan na lamang hintayin kung ano man ang ilalabas na desisyon dito ng Korte Suprema.

Facebook Comments