Sinasabing EJK victims, walang dapat ikabahala sakaling makauwi ng Pilipinas si FPRRD —VP Sara

Iginiit ni Vice President Sara Duterte na walang dapat ipangamba ang mga testigo at mga pamilya ng sinasabing mga biktima ng extra judicial killings (EJKs) sakaling makauwi ng Pilipinas ang dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay VP Sara, walang kakayahan ang dating pangulo na manggipit o magtanim ng ebidensya lalo na ngayong may edad na ito at wala na sa kapanyarihan.

Naniniwala rin si VP Sara na pinalulutang lamang ng pamahalaan at ng mga kasabwat nito sa pribadong sektor ang ganitong mga senaryo para tuluyan nang hindi makabalik ng Pilipinas ang dating pangulo at wala nang maging tinik sa kanilang mga interes


Iginiit din ni VP Sara na bilang dating piskal, batid ng dating pangulo ang violation sa pag-tamper ng mga ebidensya.

Facebook Comments