Sinasabing “golden age of infrastructure” noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ipagpapatuloy ni PBBM

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagpatuloy ang sinasabing “golden age of infrastructure” sa Pilipinas na nangyari noong panahon ng kanyang ama.

Sa kanyang talumpati sa ika-125 anibersaryo ng Department of Public Works and Highways (DPWH), inatasan ng pangulo ang DPWH na tapusin sa takdang oras ang mga proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan.

Dapat din aniya na pasok ito sa budget ng gobyerno.


Hinimok din ng pangulo ang DPWH na isaalang-alang sa kanilang infrastructure design ang kapakanan ng mga senior citizen, person with disability at mga buntis.

Pinatitiyak din niya na mapakikinabangan ito sa matagal na panahon.

Samantala, ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, mahigit pitumpung libong proyekto na nagkakahalaga ng P890 billion ang ipatutupad ng ahensya ngayong taon.

Facebook Comments