Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng Ombudsman ang pagsasampa ng petisyon sa Sandiganbayan para sa forfeiture proceedings para mabawi ang hindi maipaliwanag na yaman ni dating Philippine National Police Director General Alan Purisima at kanyang pamilya.
Aabot sa P29.2 million ang halaga ng mga ari-arian ang gustong bawiin ng Ombudsman kay Purisima, sa kaniyang asawa na si Ma. Ramona Lydia Purisima at mga anak na sina Rainier Van Albert, Eumir Von Andrei, Alan Jr. at Jason Arvi.
Maliban dito, ipinag-utos din ni Morales ang paghahain ng impormasyon para sa 9 counts ng perjury laban kay Purisima.
Ito ay dahil sa kabiguang i-disclose ang kanyang mga ari-arian sa Statement of Assets Liabilities and Net Worth (SALN) para sa taong 2006 hanggang 2014.
Si Purisima ay napatunayang guilty sa grave misconduct, serious dishonesty at acquisition of unexplained wealth na ang karampatang parusa ay pagkakasibak sa serbisyo.