Sinasabing NPA commander, arestado sa Agusan Del Sur

Manila, Philippines – Naaresto sa isinagawang joint operation ng PNP at militar ang isang umano’y kumander ng New People’s Army (NPA), na may apat na warrant of arrest sa kasong murder at frustrated murder na kinilala sa pangalang Rany Gargar Undayon, alyas ka Ian/Abloy ng GF 19 npa.

Ayon kay 401st brigade Philippine Army Commander Col. Cristobal Zaragoza, may natanggap silang impormasyon na umuwi si Ka Ian sa purok 1 Barangay Libertad, prosperidad, Agusan Del Sur dahil nanganak ang kanyang asawa dahilan ng kanyang pagkaaresto, kahapon ng tanghali.

Sinasabing kumikilos si Ka Ian sa bayan ng Prosperidad at San Francisco Agusan Del Sur at bayan ng Lianga at Barobo, Surigao Del Sur.


DZXL558

Facebook Comments