Manila, Philippines – May nakita ng aberya ang kampo ni dating Senador Bongbong Marcos sa pagsisimula ng manual recount.
Ayon kay dating Senador Bongbong Marcos, mukhang hindi secured ang mga ballot boxes sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.
Sabi ni Marcos, may problema ng nakita sa munisipalidad ng Bato sa Camarines Sur kung saan may mga nawawalang audit log at may mga basang balota.
Hinala ni Marcos, may taong sumasabotahe sa pagsisimula ng bilangan.
Samantala, sa pagdalo sa misa na inorganisa ng “kaya natin movement” sa St. Scholastica’s College sa Malate, Maynila, binigyan diin ni Vice President Leni Robredo na dapat na pagtiwalaan ang proseso dahil sa dulo ang mananaig ay ang katotohanan.
Facebook Comments