Manila, Philippines – Pinaniniwalaang nabuwag na ng Bureau of Immigration (BI) ang sindikato ng International Human Trafficking Syndicate na ginagamit ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay makaraang maaresto ng mga tauhan ng Foreign Travel Monitoring Unit ng Bureau of Immigration (BI) ang limang banyaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre.
Kabilang sa mga nahuli ay isang Somalian, dalawang Chinese at dalawang Iranian.
Sinabi ni Justice Secretary Vitallano Aguirre, ginagamit ng sindikato bilang transit point ang Pilipinas papunta ng England.
Isinabay ng sindikato ang pagpasok ng mga dayuhan sa ASEAN summit dahil abala ang mga otoridad sa pag-assist sa mga foreign delegates.
Pinaaalam din ng kalihim sa NBI at BI kung may kasabwat ang nahuling limang dayuhan dito sa Pilipinas at bakit lahat sila ay papunta ng England.
Naglabas din ng department order si Aguirre na iimbestigahan ang bagay.