Arestado ang isang Japanese na wanted sa kanilang bansa dahil sa pagpapalsipika ng mga dokumento ng mga ibinibentang lupain.
Si Misao Koyama, 59-anyos ay naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Tokyo Interpol at Immigration Fugitive Search Unit sa Makati City.
Humingi ng tulong ang Tokyo Interpol sa Immigration Bureau matapos matukoy na nagtatago sa bansa si Koyama na sinasabing lider ng isang sindikato sa Japan.
Sinasabing modus ng grupo ni Koyama ang pagpalsipika sa mga dokumento ng mga lupain para maibenta nang walang kaalam-alam ang tunay na may-ari ng lupain.
Nabatid na bilyun-bilyong yen ang nakulimbat ni Koyama sa mga nabiktima nito.
Nakatandang ipa-deport sa Japan ang nasabing Hapones.
Facebook Comments